Inalerto kahapon ni Philippine National Police Chief Director General Avelino Razon Jr. ang lahat ng mga field unit commander na maging vigilante at paghandaan ang posible pang mga pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army sa mga balwarte nitong teritoryo sa bansa.
Sinabi ni Razon na hindi dapat na magtagumpay ang paghahasik ng terorismo at pambubulabog sa peace and order ng komunistang grupo.
Ginawa ni Razon ang pag-alerto sa puwersa ng pulisya kasunod naman ng inilunsad na pananambang at pagpapasabog ng landmine ng NPA sa tropa ng Army’s 39th Infantry Battalion (IB) na ikinasawi ng tatlong sundalo ha bang 20 pa ang nasugatan sa President Roxas, North Cotabato kahapon ng umaga. (Joy Cantos)