7 pulis sinuspinde sa pag-inom, pag-absent
Pitong pulis ang pinatawan ng 45 araw na suspensiyon dahilan sa madalas ng mga itong pag-inom ng alak at pag-absent sa trabaho sa Iloilo City.
Sa report ni Police Regional Office (PRO) 6, Chief Supt. Isagani Cuevas kay PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., ang pagsuspinde sa nasabing mga pulis ay alinsunod sa mahigpit na programa kontra TABA (Tamad, Abusado, Bastos at Ayaw Padisiplina) na mga pulis.
Kinilala ang mga ito na sina PO1 James Pedroso, Peter Genovea, Glenn Sidayon, Warren Lazarte, PO1 Soliman, PO1 Jotes, at PO1 Corsino, pawang nakatalaga sa Regional Headquarters Support Group sa Camp Martin Delgado.
Una nang nahuli si Pedroso na pumalya sa kanyang duty para magbigay ng seguridad sa piyesta sa Bgy. Handumanan sa
Samantala, caught in the act din ang anim pang pulis na lantarang nag-iinuman sa isang videoke bar sa
Kaugnay nito, nagbabala naman ang opisyal na papatawan ng kaukulang kaparusahan ang mga pulis na tomador, pala-absent at iba pang uri ng iregularidad. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending