Suhulan sa Hanjin ala-ZTE

Kinuwestiyon kaha­ pon ni Sen. Panfilo Lac­son ang hindi kaagad pag-aksiyon ni Pangu­long Gloria Arroyo sa sinasabing tang­kang pa­nunuhol ng Korean industrial firm na Hanjin ng P400M kay Ta­goloan, Misamis Oriental Mayor Paulino Emano kapalit ang pagpayag ng alkalde sa patuloy na shipbuilding facility ng kom­panya sa lugar.

Inihalintulad ni Lac­son sa kontrobersiyal na $329.48M ZTE broadband network scandal ang nang­yaring suhulan kung saan mismong si dating NEDA secretary Romulo Neri ang nag­bunyag sa Presidente na sinabihan siya ng “Sec, may 200 ka dito” pero binalewala rin ito ng Pangulo.

Ipinagtatakal ni Lac­son kung bakit huli na ang naging aksiyon ng Pa­ngulo at ang pina-iimbes­tigahan pa nito ngayon sa DILG ay ang mga lokal na opisyal ng Tagoloan.

“It’s ‘Sec, may 200 ka rito’ all over again. When Mayor Paulino reported to Mrs. Arroyo a P400-million bribe offer by Hanjin, instead of ordering an immediate investigation, he was ignored by Mrs. Arroyo. Now that he is talking a bit, a full-blown investigation is being ordered,” ani Lac­son.

Ipinaalala ni Lacson na nang ibunyag ni Neri sa Pangulo ang tang­kang panunuhol umano ni dating Commission on Elections chairman Benjamin Abalos ng P200M ay sinabihan lamang nito sa Neri na huwag tang­gapin ang suhol pero ituloy ang ZTE project.

Ayon kay Lacson, kung mayroon ngang P400 milyon na offer at hindi ito inaksiyunan kaagad ng Pangulo, siguradong ma­rami ang magtatanong kung mag­kano ang na­tang­gap ng Malacanang sa pro­yekto.

“How much was offered or actually given to Malacañang or Mrs. Arroyo?” pagtatanong ni Lacson.

Iginiit ni Lacson na da­pat bigyan kaagad ng se­guridad si Mayor Emano dahil posibleng manganib ang buhay nito dahil sa ginawang pagbubunyag.

“Mayor Emano must be protected and secured immediately. Thereafter he must tell the details of the whole truth about the attempted bribery involving Hanjin, including making Mrs. Arroyo at least an accessory after the fact,” pahayag ni Lacson.

Ipinagtataka rin ni Lac­ son kung bakit nga­yon lamang biglang na­galit ang Pangulo sa­man­talang hindi naman ito umaksiyon sa tang­kang suhulan.

“Bakit siya hindi nag-order ng investigation noon? Bakit ngayon lang, dahil binuko ng mayor? And if P400 million was offered to local officials, how much was offered to Malacañang,” dagdag ni Lacson.

Plano ng Hanjin na mag-operate ng isang $2-bilyon shipyard mula Tagoloan hanggang Villa­nueva sa Misamis Oriental pero ipinag-utos uma­ no ni Emano ang pansa­mantalang pagpapatigil ng pro­yekto dahil sa kabiguan ng kompanya na ku­muha ng  Environmental Compliance Certificate (ECC) at municipal building permit.

Show comments