^

Bansa

China ‘di aatake sa Pag-asa Island

-

Kumpiyansa si Air Force Chief Lt. Gen. Pedrito Cadungog na hindi aatakehin ng tropa ng China ang Pag-asa Island na inookupa ng Pilipinas sa pinaga-aga­wang teritoryo sa Spratly Islands sa South China Sea.

Sinabi ni Cadungog, batid ng China ang ni­lagdaan nitong Code of Conduct kabilang ang iba pang mga bansang nag-aangkin sa Spratly Islands noong 2002 kaya di nito isasagawa ang marahas na pag-atake dahil ko­kondenahin ito ng international community.

“Besides, warfare is no longer the name of the game... it’s economic power,” ani Cadungog ma­tapos nitong bisitahin kamakalawa ang tropa ng Philippine Air Force sa Pagasa Island.

Dahil dito, ayon sa Air Force Chief ay hindi na kailangan pa ang karag­dagang tropa ng militar para magbantay sa Pag­asa Islands.

Sa kasalukuyan ay may 60 lamang tropa ng Armed Forces of the Philippines ang nagbabantay sa Pagasa kabilang ang 20 tauhan ng  Navy.

Ayon kay Cadungog bagaman maikokonsidera na mga combatants ang tropa ng militar sa Pagasa ay nakapokus ang mga ito sa pagkukumpuni ng iba’t-ibang pasilidad at kaga­mitan sa lugar.

“Ang main job natin dito is to guard the islands and maintain the runway. Hindi natin kailangan mag-provoke,” paliwanag pa ng opisyal.

Maliban sa Pilipinas, kabilang pa sa mga ban­sang nag-aagawang ma­angkin ang teritoryo ng Spratly na sinasabing mayaman sa depositing mineral at langis ay ang China, Brunei, Vietnam, Taiwan at Malaysia. (Joy Cantos)

vuukle comment

AIR FORCE CHIEF

AIR FORCE CHIEF LT

CADUNGOG

PAGASA

SHY

SPRATLY ISLANDS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with