^

Bansa

Ban sa importasyon ng karne mula Australia, inalis na ng DA

-

Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa importasyon ng karne mula sa Australia makaraang makum­pirma ng mga beterinaryo dito na ang mga produk­tong karne sa naturang bansa ay ligtas ng kainin at libre sa “mad cow” infection. 

Bunsod nito, agad namang inutusan ni Agriculture Sec. Arthur Yap ang pag-aalis sa ban sa importasyon ng karne mula Australia makaraang ang Office International des Epizooties (or Animal Health Organization) ay nagdeklarang ligtas sa “mad cow” disease ang naturang bansa.

Kasabay nito, inalis na din ang ban sa impor­tasyon ng bone meal feeds mula Australia.

Ang “mad cow” disease o Bovine Spongi­form Encephalopathy (BSE) ay mabilis lumipat sa mga alagaing hayop na may apat na paa.

Bukod sa Pilipinas, nag-eexport ang Australia ng produktong karne nito at bone meal sa Indonesia, Canada, United States, European Union, Malaysia, South Africa, China, Mexico, Papua New Guinea, Sri Lanka, Thailand at Vietnam. (Angie dela Cruz)

AGRICULTURE SEC

ANIMAL HEALTH ORGANIZATION

ARTHUR YAP

BOVINE SPONGI

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

EUROPEAN UNION

OFFICE INTERNATIONAL

PAPUA NEW GUINEA

SOUTH AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with