^

Bansa

Kamara pasok sa ‘palpak’ na penis enlargement

-

Mag-iimbestiga ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga cosmetic clinic at surgeon hinggil sa umano’y palpak na operas­yon sa mga pasyenteng tumangkilik sa kanila.

Ipatatawag ng House Committee on Health ang mga kilalang personali­dad na may-ari ng mga cos­me­tic clinic para big­yan linaw ang mga ba­litang nagka­roon ng ka­palpakan sa ka­nilang ginawang pag-oopera sa ilang pasyente nila.

Ayon sa ulat, ipata­tawag sa Kamara ang mga sikat na persona­lidad tulad nina Drs. Manny at Pie Calayan at Vicki Belo at iba pang may-ari ng ganitong kla­seng klinika.

Napag-alaman na iimbi­­tahan ng Kongreso si Louem Martinez, na sina­sabing naging biktima ng hindi magandang operas­yon kaugnay sa penis en­largement na ipina­gawa nito. 

Ayon sa ilang kongre­sista, dapat bigyan kata­rungan ang mga sina­sabing naging biktima ng umano’y kapalpakan. (Butch Quejada)

AYON

BUTCH QUEJADA

HOUSE COMMITTEE

KONGRESO

LOUEM MARTINEZ

MABABANG KAPULUNGAN

PIE CALAYAN

SHY

VICKI BELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with