Jobs fair dinagsa
Dinumog ng mga aplikante na nagnanais magkaroon ng marangal na hanapbuhay ang inilunsad na “Jobs and Livelihood Fair” kahapon sa World Trade Center sa
Batay sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE), umabot sa mahigit 100,000 local at overseas job vacancies ang inilaan para sa mga aplikante kabilang na ang mga bagong graduates.
Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day, lumahok sa nasabing programa ang daan-daang kompanya at mga lisensiyadong recruitment agencies para matuunan ng pagkakataong mabigyan ng trabaho ang mga kababayang Pilipino.
Bukod sa mga trabaho, nagkaroon din ng libreng gupit at libreng masahe sa pakikipagtulungan ng mga estudyante ng TESDA livelihood program.
Samantala, bukod sa mga kompanyang naghahanap ng mga empleyado, naroon din ang SSS para naman sa mga gustong mag-miyembro o kaya ay nagnanais kumuha ng impormasyon kaugnay sa status ng kanilang SSS membership. Naging abala rin ang ahensya ng PAGIBIG sa pagbibigay ng detalye para sa mga nagnanais mag-apply ng housing loan.
Layunin ng pamahalaan sa paglulunsad ng jobs at livelihood fair na matu gunan ang kahirapan ng mamamayang Pilipino higit sa lahat ang mga walang hanapbuhay. Nais din ng pamahalaan na mai-angat ang antas ng pamumuhay ng ating kababayan at bumaba ang porsiyento ng kriminalidad bunga ng kahirapan. (Rose Tesoro)
- Latest
- Trending