Pinay nakipag-date, inaresto sa Saudi

Isang Filipina nurse ang inaresto ng mga awtoridad dahilan uma­no sa kasong imoralidad ma­tapos mahuli sa aktong na­kikipag-date sa isang restaurant sa Riyadh, Saudi Arabia.

Batay sa report, hi­nuli umano ng Anti-Vice Operatives ng Saudi Police ang Pinay nurse na si Abigail Valdez matapos itong ma­kitang kasama ng isang lalaki na ka-date nito sa isang restaurant doon. 

Sa ilalim ng batas sa Saudi, mahigpit na ipi­nag­babawal sa mga ka­ba­baihan doon na su­mama o makipag-date sa mga lalaking hindi nila asawa o kapamilya, lalo na sa mga pampublikong lugar.

Si Valdez, ay sinasa­bing nagtatrabaho sa Riyadh Military Hospital sa Saudi.

Kasalukuyan namang kinukumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Embassy sa Riyadh ang mga kaganapan hinggil sa pagkakaaresto kay Val­dez na kasalukuyang naka­ditine sa Al-Malaz Prison.

Nagpadala na ng kina­tawan si Philippine Ambassador Antonio Villamor sa Al-Malaz Prison, subalit sa pinaka­huling report ay hindi umano pinayagan ng mga awtoridad doon na makapasok ang mga opis­yal ng Philippine government. (Joy Cantos)

Show comments