^

Bansa

Gubernatorial bet sinisilip sa Dalaig at Asdala murder

-

Masusing tinitingnan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang posi­bilidad na may kinalaman umano ang isang gubernatorial bet sa Mindanao region sa pagkaka­pas­lang kina Comelec legal officers Alioden Dalaig at Wynne Asdala noong Nobyembre 2007 at Mar­so 2008, ayon sa pagka­kasunod-sunod.

Ayon sa ilang sources sa MPD, ang inarestong suspek na si Police Officer 1 Basser Ampatuan ay dating nagsilbi rin bi­lang bodyguard ni former Sultan Kudarat Mayor Tocao Mastura.

Si Mastura ay kuman­didato sa pagka-gober­nador ng Sharrif Kabun­suan province noong 2007 election subalit sinasabing natalo kay Datu Bimbo Sinsuat at naghain ng election protest kung kaya hindi pa rin maiproklama ang huli hanggang sa ngayon.

Bukod kay Ampatuan, isa pang dating miyembro ng Maguindanao Provincial Police Office, na nakilala lamang sa alyas Julius Erving ang pinag­hahanap ng pulisya dahil dawit din umano sa Da­laig at Asdala murder.

Sa impormasyong na­kalap ng MPD, maging si Erving ay naging security escort ni Mastura at na­tanggal sa serbisyo dahil nag-AWOL at sangkot din umano sa iba’t-ibang mga kaso.

Una nang inilutang ng pulisya na posibleng may kinalaman sa kanilang trabaho, partikular ang paghawak sa iba’t-ibang election related cases ang motibo sa pagpaslang kina Dalaig at Asdala.

Dahil maraming ka­song hihinawakan ang dalawa sa Comelec, hirap ang pulisya na matukoy kung sino ang posibleng mastermind hanggang sa matunton sa pamama­gitan ng “surveillance vi­deo” ng isang casino si Ampatuan. 

Samantala, tinang­kang kunin ng PSNGAYON ang panig ni Mastura hinggil dito subalit nabigo ang reporter na ito. (Doris Franche)

vuukle comment

ALIODEN DALAIG

AMPATUAN

ASDALA

BASSER AMPATUAN

COMELEC

DATU BIMBO SINSUAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with