Pag-aresto kay Salapuddin, sinuspindi ng QC court
Sinuspinde ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang ipinalabas na warrant of arrest laban kay dating Basilan Congressman Gerry Salapuddin kaugnay ng pagkakasangkot nito sa naganap na pagsabog sa Batasan Pambansa nitong nakalipas na Nobyembre 2007.
Sa ginanap na open court hearing, sinuspindi ni QC Judge Ralph Lee ng Branch 83 ang naipalabas na kautusan laban kay Salapuddin dahil may isinampang motion to recall at motion to quash ang abogado nitong si Atty. Salacnib Baterina sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kasong ito.
Niliwanag ni Lee na dapat munang suspindihin ang pagpapatupad ng pag-aresto kay Salapuddin habang naka-pending ang resolusyon ng korte tungkol sa naisampang mosyon ng kampo ni Salapuddin sa DOJ.
Nakasaad sa mosyon na alisin ang dating kongre sista hinggil sa kinasasangkutang kasong multiple murder at multiple frustrated murder na isinampa dito sa QC court. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending