Sibakan sa Cabinet!
Kinumpirma kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magkakaroon ng revamp sa kanyang Gabinete sa susunod na buwan bagamat hindi tinukoy ang mga opisyal na aalisin at ang mga ipapalit sa kanila.
“Yes there will be a cabinet revamp,” wika ni Mrs. Arroyo sa kanyang media-interaction sa Malacañang reporters sa
Ayaw namang magbigay ng anumang detalye ng Pangulo kaugnay sa mangyayaring balasahan, gayunman, ayon sa mga mapapanaligang source sa Palasyo, malamang mabigyan ng pwesto ang tatlong natalong senatorial bets ng administrasyon tulad nina Tessie Aquino-Oreta, Tito Sotto at Mike Defensor.
Dahil nakatada ng magretiro si AFP Chief Gen. Hermogenes Esperon, hinuhulaang ipupuwesto siya sa Defense Department kapalit ni Gilbert Teodoro na ipupuwesto bilang Secretary of justice habang si DOJ Secretary Raul Gonzalez ay posibleng bigyan ng ibang posisyon o hayaang makapagpahinga sa government service.
Samantala, sinabi rin ng source na si DILG Sec. Ronaldo Puno ay malamang italagang Executive Secretary kapalit ni Eduar do Ermita na gagawing Ambassador sa Washington, pero may balita rin na si dating Congressman Prospero Pichay ang magiging Executive Secretary.
Sa kabila nito, sinabi ng Pangulo na ang ano mang haka-haka sa ngayon ay pawang espekulasyon bagamat tinyak na sa papasok na buwan gagawin ang pagbalasa.
Kaugnay nito, handa umano si Secretary Gonzalez na mapalitan at mailipat sa ibang puwesto sakaling matuloy ang isasagawang cabinet revamp.
Nilinaw din nito na hindi siya personal na kinunsulta ng Pangulo ukol dito subalit mayroon umanong balita na ang pagreretiro ni Gen. Esperon ang nagbunsod sa Pangulo upang magkaroon ng Cabinet revamp.
- Latest
- Trending