Isa pang doktor at tat long nurse ng Vicente Sotto Memorial Medical ang pinangalanan ng Department of Health (DOH) na umano’y sangkot sa rectum scandal sa Cebu city.
Kabilang sa mga pangalang binanggit ni Atty. Ronald de Vera ng DoH legal services ang consultant na si Dr. Marlowe Parreño; operating room nurse supervisor Isabelita Remulta; senior operating room nurse Consuelo Tecling at senior operating room nurse on call na si Ida Sumayang.
Unanang pinangalanan ang lima sa 15 miyembro ng surgical team na nagsagawa ng operasyon sa pasyenteng nagpatanggal ng canister sa kanyang rectum.
Ang nasabing operasyon ay nagbigay ng malaking kahihiyan sa biktima dahil vinideo ang pasyente habang nakikitang nagtatawanan ang mga doctor at nurse matapos na makuha ang canister sa loob ng puwet nito. (Doris Franche)