^

Bansa

Nani nagpiyansa

-

Naglagak ng piyansa sa Batangas Regional Trial Court si dating Justice secretary Hernando Perez para pansaman­talang makalaya kaugnay ng kasong kinasasang­kutan sa Sandiganbayan.

Ayon kay Manuel To­rio, deputy Sandiganba­yan Sherif, naipagbigay alam sa kanila sa Sandi­ganbayan na si Perez ay nagpiyansa ng halagang P30,000 kay Batangas RTC Judge Ruben Galvez alas-3 ng hapon kahapon.

Ang pagpipiyansa ni Perez ay kasunod ng ginawang pagsisilbi na­man ng team ng anti-graft court ng warrant of arrest laban kay Perez at asawa nito sa kanilang bahay sa QC pero ang katulong lamang ng mga Perez ang nadatnan doon ng mga awtoridad. Ang kaso ay may ka­ug­nayan sa $2-million extortion case na isinampa laban dito ni dating Manila Representative Mark Jimenez. Kasama sa kaso ang asawa nitong si Rosario at brother-in-law na si Ramon Arceo na una nang naglagak ng pi­yansa sa korte.

Gayunman, maka­raang maglagak ng piyan­sa si Perez sa Batangas court, isa pang warrant of arrest ang inisyu kahapon ng Sandiganbayan laban dito na may kaugnayan naman sa kaso nitong falsification of public document.

Apat na kasong krimi­nal ang naisampa ng Ombudsman sa Sandigan­bayan noong Abril 18 laban kay Perez, asawa at bayaw nito dahil sa ka­song robbery/extortion habang si Perez ay may dagdag na kasong graft at falsification of public do­cu­ments. (Angie dela Cruz)

BATANGAS

BATANGAS REGIONAL TRIAL COURT

HERNANDO PEREZ

JUDGE RUBEN GALVEZ

MANILA REPRESENTATIVE MARK JIMENEZ

MANUEL TO

PEREZ

RAMON ARCEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with