^

Bansa

Pope Benedict, Cardinal Rosales kinasuhan

-

Sinampahan kahapon ng paglabag sa Human Rights violation, disturbance of public order, swindling at pagtuturo ng immoral doctrines sa Manila Prosecutors Office ng abogadong si Atty. Elly Pa­matong sina Pope Benedict XVI at Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Ro­sales.

Sa 62-pahinang rekla­mo ni Pamatong, nilabag umano ng dalawang ma­taas na opisyal ng Vatican at Simbahang Katoliko ang karapatang pantao ng mga mamamayan nang mag­lagay sila ng mala­lakas na speaker sa mga bubong ng simba­han, tower at mga puno na nagpapahayag ng mga maling doktrina na ang dulot ay pambubulabog umano sa komunidad.

“They have been disturbing the peace and quiet of non-Catholics throughout the country,” saad ni Pa­matong.

Nag-ugat ang pagsa­sampa ng kaso ni Pama­tong dahil hindi siya ma­ka­tulog dahil sa malakas na speaker na nakalagay sa simbahan malapit sa kan­yang tinitirhan sa Pam­panga na halos may isang linggo. 

Sinabi pa ni Pamatong na hindi niya maintindihan ang mga sinasabi sa malakas na speaker na sa kanyang paniniwala ay hindi naman para sa tao.  (Doris Franche)

DORIS FRANCHE

ELLY PA

HUMAN RIGHTS

MANILA ARCHBISHOP GAUDENCIO CARDINAL RO

PAMA

PAMATONG

POPE BENEDICT

PROSECUTORS OFFICE

SHY

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with