^

Bansa

Gov. Panlilio babalik sa pagka-pari

-

Tila maagang nag­sawa sa pulitika si Pam­panga Governor Ed Pan­lilio mata­ pos na ihayag nito na hindi na siya ta­takbo pang muli dahil ang prayoridad umano niya ngayon ay makabalik kaagad sa pagkapari sa oras na matapos na ang kan­yang termino bilang gobernador.

Ayon kay Panlilio, ka­ilan­man ay wala siyang plano o intensiyon na iwa­nan ang kanyang priest­hood dahil mahal na ma­hal niya ito.

Gayunman, binig­yang-diin ng gobernador na sa 27 taon niya sa pagkapari ay hindi na aniya ang sarili niya ang kanyang iniisip kundi ang kagustuhan ng Diyos kaya bagamat nais niya ka­agad na bumalik sa pagli­lingkod sa Diyos, kung may iba aniyang plano para sa kanya ang Panginoon, ay ito ang kaniyang susundin. 

Nilinaw din naman ng go­bernador na hindi siya nagprisinta upang tu­makbo kundi itinulak la­mang upang tumakbo sa halalan, dahil mahal na mahal aniya niya ang pagkapari.

Nang tanungin kung magpapahinuhod ba ito sakaling muling itutulak upang tumakbo sa pam­panguluhang halalan sa taong 2010, sinabi ni Pan­lilio na, “I really want to go back to my ministry. That’s my first love, pero sa edad ko na ito, we always take the cue from God. We always take our decision sa gusto ni God.” (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

DIYOS

DORIS FRANCHE

GAYUNMAN

GOVERNOR ED PAN

NANG

NILINAW

NIYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with