Gov’t employees na mahilig mag-casino binalaan ng CSC

Kinalampag ng Civil Service Commission (CSC) ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno na panay ang punta sa mga casino at iba pang pasu­galan.

Ipinaalala ng CSC ang nakasaad sa memorandum circular number 8 na inisyu noong Agosto 2001 na nag-uutos sa lahat ng mga pampublikong opisy­al na direktang may ko­neksyon sa operasyon ng gobyerno na bawal pu­masok o mag­ laro sa mga casino at iba pang lugar na may sugal.

Umiiral pa rin umano ang Republic Act 6713 o mas kilala bilang code of conduct and ethical standards for public officials and employees na dapat mahig­pit na sundin ng mga ito.

Kabilang din sa mga bawal magsugal ay ang mga miembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kaugnay nito, hinimok ng CSC ang publiko na maging mapagbantay at huwag magdalawang isip na isumbong sa kanila ang sinumang mga opis­yal o kawani ng gobyerno na lalabag sa mga na­bang­git na kautusan.

Itawag lamang ito sa Mamamayan Muna action center hotline number 932-0111 o i-text sa 0917-8398272. (Angie dela Cruz)

Show comments