^

Bansa

Dengue tuloy sa pagtaas

-

Sa kabila ng puspu­ sang kampanya ng Department of Health (DOH), patuloy pa rin umano sa pagtaas ang dengue cases sa bansa matapos na makapagtala ng 20.6 porsyentong pag­taas ng mga kaso ng nasa­bing sakit ngayong taon kum­para sa taong 2007.

Sa pinakahuling disease surveillance report ng DOH mula Enero hang­gang Marso 29, umaabot na sa kabuuang 7,880 dengue cases ang naitala sa mga sentinel hospitals sa buong bansa.

Ito’y mas mataas uma­no ng 20.6 porsyento o 1,348 kaso sa naitalang 6,532 kabuuang dengue cases sa kahalintulad na period noong 2007.

Sa nasabing bilang, umaabot naman sa 76 ang naitalang namatay nga­yong taon kumpara sa 68 lamang noong nakaraang taon. 

Ayon sa DOH, 74 por­syento sa mga naapek­tuhan ng dengue ay nag­kaka-edad mula isa hang­gang 20 taong gulang at karamihan sa mga nama­tay ay mula isa hanggang 10 taong gulang.

Ang National Capital Region (NCR), Central Luzon, Central Visayas, Calabarzon, Northern Min­da­nao at Davao Region ang mga rehiyon sa bansa kung saan nakapagtala ng pina­kamalaking pagtaas ng kaso ng dengue.  (Doris Franche)

ANG NATIONAL CAPITAL REGION

AYON

CALABARZON

CENTRAL LUZON

CENTRAL VISAYAS

DAVAO REGION

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

NORTHERN MIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with