Murang tinapay sinimulan nang ibenta
Sinimulan na rin kahapon ang pagbebenta ng murang tinapay sa mga bagsakan centers sa mga barangay sa Metro
Ayon kay Agriculture Secretary Arthur Yap, ang hakbang ay bahagi ng programa ng ahensiya na maalalayan at mabigyan ng mas murang pagkain ang taumbayan.
Kaugnay nito, sinabi ni DA Asst. Secretary Salvador Salacup na 2,000 piraso ng bread loafs o tinapay ng bayan at 1,000 piraso ng pandesal ng bayan na nakalagay sa apat na delivery vans ang pinamamahagi sa 16 barangay Bagsakan Centers sa Metro Manila.
Ang loaf bread dito ay naibebenta sa halagang P37 habang ang pandesal ay P12 na may pitong piraso sa isang supot o may halagang P1.71 kada piraso.
Sa mga bakeries at iba pang regular outlets, ang bawat loaf bread ay may halagang P54 na dati ay P34 at pandesal ay may halagang P3.50 kada piraso na dati ay P2.50 kada piraso.
Ang mga bagsakan centers ay matatagpuan sa Signal Village, Taguig; Barangay 97, Caloocan; Nangka, Marikina; Baesa, Commonwealth Market at Pag-asa sa Quezon City; Capri, Novaliches; Smokey Mountain, Baseco at Paco sa Manila; Camp Bagong Diwa; Fort Bonifacio; South Station sa Alabang, Muntinlupa; Barangay San Antonio, Parañaque; Barangay 184 sa Maricaban, Pasay; at Barangay Camarin, Caloocan. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending