GMA bumitaw na sa Chacha
Ipinauubaya na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa susunod na presidente ang planong pagpapalit ng sistema ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye, ma labo nang maganap ang Charter change dahil kulang na ang panahon upang ma talakay pa ito at dalawang taon na lang ang nalalabi sa kanyang termino.
Ito’y matapos isulong ng 11 senador sa pangunguna ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ang pagkakaroon ng federalism bilang kapalit ng presidential form of government.
“The concept (of federalism) is new to the country. I filed the bill to trigger debates so that people will know what this is all about,” sabi ni Pimentel.
Sinabi pa ni Sec. Bunye, ipinauubaya na lamang din ni Pangulong Arroyo ang usaping ito sa mga mambabatas subalit alanganin na umano ang panahon upang matalakay ito kaya ipinauubaya na lamang ito ng chief executive sa susunod na pangulo ng bansa.
- Latest
- Trending