Inaprubahan sa House Commttee on Ways and Means ang pagbibigay ng mas mataas na personal tax exemption sa mga manggagawa na hindi la lagpas ang sahod ng P150,000 kada taon.
“Ang mga manggagawa na under par ang mga sahod ay hindi na magbabayad ng buwis kapag naisabatas ang nasabing batas,” anang mga kongresista.
Ang minimum wage kada taon ng mga manggagawa ay umaabot lamang ng P64,000 hanggang P96,000 kumporme sa lugar ng pinagtatrabahuhan kada taon kaya ngayon itinaas ng ilang kongresista ang personal tax exemption ng P150,000 at makalibre na sila sa pagbabayad ng income tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Kailangan hindi lalagpas ng P150,000 ang sahod ng isang manggagawa sa loob ng isang taon para hindi na sila pagbayarin pa ng buwis. Ipapatupad ang nasabing exemption ngayong 2008.
Napag-alaman na malulugi dito ang gobyerno ng mahigit sa P8 billion kapag naaprobahan ito pero ang paniwala ng ilang kongresista ay makakatulong ito ng malaki sa mga manggagawa lalo’t nagtaasan na rin ang presyo ng mga bilihin at langis.
Kasabay nito, siniguro rin kahapon ng Malacañang na magiging batas ang Cheaper Medicine bill at maihabol ang pagkakaloob ng tax exemption bago ang Labor Day.
Iginiit ni Pangulong Arroyo sa kanyang opening statement bago magsimula ang LEDAC meeting na kailangan ang pagkakaisa at kooperasyon ng bawat isa upang maresolba ang kasalukuyang suliranin ng bansa. (Butch Quejada/Rudy Andal)