Razon umapela sa movie producers

Umapela kahapon si Philippine National Police Chief Director General Avelino Razon Jr., sa mga movie at television producer sa bansa na huwag gawing katawa-tawa at masama ang imahe ni Mamang Pulis sa publiko.

“Bini-buildup po natin ang imahe ng ating mga pulis kaya humihingi tayo ng tulong sa mga producers na i-project ang mga pulis in good light, hindi pamali-mali, katawatawa at masasama,” ani Razon.

Sinabi ni Razon na lubhang apektado ang mga pulis lalo  kung lalabas sa mga pelikula na pangit ang imahe nila.

Aniya, kung patuloy aniyang ipakikita ng mga producer ang mga pulis sa kanilang palabas bilang mali-mali o palpak o kaya ay laging kontrabida ay  mahihirapan silang makuha ang suporta ng publiko.  (Joy Cantos)

Show comments