^

Bansa

Governors partner ng DENR vs environmental criminals

-

Inatasan kahapon ni Pangulong Arroyo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palakasin nito ang gagampanang tungkulin ng mga local government units particular ang mga provincial governor sa pagpapatupad ng environmental laws. 

“Local government officials are virtually in the backyard of these environment criminals and they see what’s being done to the local environment. I want them to be empowered to run after these environmental crooks,” wika pa ni Pangulong Arroyo. 

Inaprubahan naman agad ni DENR Secretary Lito Atienza ang proposal na ito upang bigyan ng awtoridad ang mga provincial governors na mang-aresto sa mga lumalapastangan sa kapaligiran. 

Ginawang deputized ni Sec. Atienza ang mga provincial governors bilang partners ng DENR sa pagpoprotekta sa kapaligiran matapos na marinig ang kanilang hinaing hinggil sa kakulangan nila ng awtoridad upang mapigilan ang illegal activities ng mga environmental criminals sa kanilang hurisdiksyon. 

“We are angry, frustrated and very much disenchanted in dealing with violators of environmental laws. We see several truckloads of illegal cut-logs passing through our area and yet we are helpless to stop them”, wika pa ni South Cotobato Gov. Daisy Fuentes. 

Pinuna din ng mga governors ang mabagal na pag-usad ng hustisya laban sa mga lumalabag sa environmental laws kung saan ay nabubulok na lamang ang mga nakumpiskang troso subalit hindi pa natatapos ang kaso. 

Naniniwala din si Atienza na mapapabilis na ang prosecution ng mga environmental criminals sa sandaling bumuo na ang Korte Suprema ng 117 green courts na siyang didinig sa mga kasong may kinalaman sa kapaligiran. (Rudy Andal)

ATIENZA

DAISY FUENTES

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

KORTE SUPREMA

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with