^

Bansa

‘Kill Satur’ nasilat!

- Danilo Garcia -

Kung hindi agad na­itim­bre kay Bayan Muna Rep. Satur Ocampo ang presensiya ng apat na killers na nakaabang na ma­lapit sa kanyang tahanan habang papauwi siya mula sa Canada, mala­mang napatay na ang Party-list representative.

Sa reklamo ni Ocam­po, kagagaling pa lamang niya sa Canada ng ipagbigay-alam sa kanya ng mga kasambahay ang pag-ali-aligid ng apat na lalaki sa kanyang bahay sa Quezon City kahapon.

Dalawa umano sa mga ito ay nakasakay sa isang motorsiklo habang ang dalawa pa ay sakay ng isang kotse at nag-uugnayan sa pamama­gitan ng radio.

“Paaligid-aligid. Di na­man kumakatok sa amin. I’m calling my lawyer. Titingnan namin kung ano ba ang pakay nila, para maliwanagan kung sino ang nag-order. Ayoko nang ini-stake out dito,” sabi ni Ocampo.

Kasabay nito, itinanggi ni PNP spokesman Sr. Supt. Nicanor Bartolome na mga pulis ang uma­aligid sa bahay nito.

Pinayuhan ng PNP si Ocampo na kumuha na lamang ng “bodyguard” buhat sa Police Security and Protection Office (PSPO).

Sinabi ni Bartolome na handa silang bigyan ng seguridad si Ocampo kung hihilingin nito upang hindi na palaging nagre­reklamo sa mga taong nagmamasid umano sa kanya.

Samantala binibere­pika na ngayon sa PNP-Criminal Investigation and Detection Unit kung may inilabas nang warrant of arrest laban dito kaugnay ng kasong murder na isinampa sa isang korte sa Nueva Ecija. (Dagdag ulat ni Cesar Cezar)

BAYAN MUNA REP

CESAR CEZAR

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

NICANOR BARTOLOME

OCAMPO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with