^

Bansa

MR sa Greencross wala na raw saysay

-

Bukas umano ang kampo ng Greencross sa ihahaing motion for reconsideration (MR) sa Department of Justice (DOJ) ng dating may-ari nito.

Ayon kay Atty. Estelito Mendoza, abogado ng kumpanya, naniniwala silang wala na ring saysay ang ihahaing MR ng dating presidente ng kumpanya na si Gonzalo Co.

Ito ay dahil sa ibinasura na noong Abril 16, 2008 ni Judge Eugene dela Cruz ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang kasong estafa na inihain ni Gonzalo Co laban kay Anthony Co na kasalukuyang presidente ng Greencross.

Sa desisyon ni dela Cruz, lumalabas na walang elemento ng estafa sa naturang kaso at kinatigan ang naunang resolution ng DOJ na walang iregularidad na naganap noong ibenta ni Gonzalo Co ang kanyang shares dahil sakop ito ng absolute deed of sale.

Nadiskubre din ng korte na umabot muna sa 20 taon bago inireport ni Gonzalo ang umano’y iregularidad sa bentahan kaya nagpapakita umano ito na walang illegal sa stock increase. (Gemma Amargo-Garcia)

ABRIL

ANTHONY CO

CRUZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

ESTELITO MENDOZA

GEMMA AMARGO-GARCIA

GONZALO CO

GREENCROSS

JUDGE EUGENE

PASAY CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with