^

Bansa

Paggamit ng condom inirekomenda

-

Inirekomenda ni dating Pangulong Joseph Estrada ang paggamit ng condom  bilang tugon sa lalo pang pagdami ng populasyon ng bansa.

Ayon kay Estrada, matagal na niyang isinusulong ang paggamit ng family planning method noong si dating Senador Juan Flavier pa lamang ang  kalihim ng Department of Health (DOH)

Dahil dito, nananawagan si Estrada sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na buksan na nito ang kanilang isipan sa pagpapagamit ng  mga contraceptives lalo na sa mga mahihirap na Filipino.

Matatandaan na lumabas sa survey na ang mga mahihirap ang siyang mas maraming anak dahil na rin sa kawalan ng trabaho at ibang libangan, bukod pa rito ang hindi paggamit ng anumang uri ng family planning method.   

Sa tala ng National Statistics Office (NSO), umaabot na sa 88.5 milyon ang mga Pinoy.

Ang Calabarzon ang may pinakamaraming populasyon na 11.74 milyon; NCR, 11.55 milyon at Central Luzon, 9.72 milyon. (Doris Franche/Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANG CALABARZON

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CENTRAL LUZON

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SENADOR JUAN FLAVIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with