^

Bansa

Perez, misis kinasuhan na

-

Pormal nang kina­suhan ng Ombudsman ng graft charges sa Sandi­ganbayan si dating Justice Secretary Hernando “Nani” Perez kaugnay sa umano’y pangingikil ng may $2 milyon mula kay dating Manila Congressman Mark Jimenez.

Kasama ni Perez sa mga kinasuhan ng pagla­bag sa Republic Act 3019 o anti graft and corrupt practices act ang asa­wang si Rosario, business associates na sina Ernest Escaler at Ramon Antonio Arceo Jr.

Ang mag-asawang Perez ay kinasuhan di ng pamemeke ng dokumento ng gobyerno para sa non-disclosure ng $1.7 million sa deposits sa dalawang EFG Private Bank AG accounts. 

Pinayagan naman si Perez na makapagpi­yansa ng P178,000 para sa pansamantalang ka­ la­yaan nito at P130,000 para  sa  tatlong  aku­sado.

Samantala, nagpasak­lolo na kahapon sa Korte Suprema si Perez upang pigilan ang pagdinig sa mga kasong isinampa ng Ombudsman sa Sandi­gan­bayan laban sa kani­lang mag-asawa. 

Sa 65 pahinang petition, iginiit nito na nilabag ng Ombudsman ang kanyang karapatan para sa substantial at procedural due process nang aksiyunan ang kasong natutulog na ng maha­bang panahon sa natu­rang tanggapan.

Iginiit pa ni Perez na matagal na niyang hini­hiling sa Ombudsman na desisyunan na ang kaso, subalit nagtagal pa rin ito ng halos limang taon bago nakapagpalabas ng re­sulusyon.

Maliwanag din umano na naging biktima lamang siya ng paglalaro ng “pulitika” ng kasalukuyang Ombudsman, dahil nauna na umano nitong inihayag na “patay na ang kaso” ng bawiin ni Jimenez ang reklamo.

Umabuso din umano ang Ombudsman dahil sa pagtanggap ng mga ebi­densiyang hindi pina­payagan ng batas tulad ng mga hearsay o sabi-sabi.

Hiniling din ni Perez na magpalabas ang SC ng Temporary Restraining Order na pansamanta­lang pipigil sa pag-usad ng kaso. (Angie dela Cruz/Gemma Amargo-Garcia)

ERNEST ESCALER

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUSTICE SECRETARY HERNANDO

KORTE SUPREMA

PEREZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with