Isang taunang kampo na tinawag na Camp Pag-ibig para sa mga batang merong espesyal na pangangailangan ang nagdiwang ng ika-32 taon nito na nakatuon sa paglikha at dagdag na oportunidad para sa mga may kapansanan.
Sa kampo, ang mga batang may kapansanan ay nagkakaroon ng pagkakataong makihalubilo sa komunidad. Kabilang sa mga aktibidad dito ang paglangoy, pagpipinta, pag-aaral sa kalikasan, pagluluto, laro, sayaw, sining, at iba pa.
Ang dalawang araw na kampo ay isinagawa sa Balara Filder Plant sa Quezon City na nagkaroon ng 3,045 kalahok.
“The camp aims to enable children and youth with special needs to participate in wholesome and rewarding community projects. It also hopes to facilitate inclusion in meaningful social processes,” sabi ni DepEd Assistant Secretary Dr. Teresita Inciong.