^

Bansa

Laban di isusuko ni Faeldon

-

Hindi isusuko ng pugan­teng si Marine Captain Nicanor Faeldon ang laban sa diuma­no’y talamak na korapsyon at iba pang uri ng katiwalian sa admi­nis­trasyon ni Pangulong Arroyo.

“I will never give up the fight. I will not be judged by a criminal syndicate masquerading as government,” ani Faeldon sa pama­magitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Trixie Cruz-Angeles. 

Sinabi ni Angeles, ang na­sa­­bing mensahe ay ipinarating sa kaniya ni Faeldon sa ka­nilang pinakahuling pag-uusap pero tumangging tukuyin kung paano sila nakapag-usap.

Ayon pa kay Angeles, ang patuloy na pagmamatigas ni Faeldon ay bahagi ng “civil disobedience” ng kanyang kli­yente laban sa gobyerno.

“While he (Faeldon) is willing to take responsibility for any and all of his actions, he will not allow an illegitimate authority to exercise power over him,” ani Cruz-Angeles.   

Si Faeldon, may patong sa ulong P1-M ay nahaharap sa kaso ng bigong coup d‚ etat noong Hulyo 27, 2003  nang sakupin ang Oakwood Premiere Hotel at siege sa Manila Peninsula Hotel noong Nob­yembre 29, 2007; pawang sa Makati City. (Joy Cantos)

FAELDON

JOY CANTOS

MAKATI CITY

MANILA PENINSULA HOTEL

MARINE CAPTAIN NICANOR FAELDON

OAKWOOD PREMIERE HOTEL

PANGULONG ARROYO

SHY

SI FAELDON

TRIXIE CRUZ-ANGELES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with