Umento sa sahod dapat ipaubaya sa RWB - solon

Mas maganda umano na sa Regional Wage Board na lamang idaan ang tungkol sa sahod ng manggagawa dahil kung isasabatas pa ito ay aabutin pa ng anim hanggang isang taon bago maayos ang wage hike. 

Ito ang sinabi ni Minority Floor Leader Arthur Defensor sa problema ng mga nagtataasang bilihin at langis sa bansa.

“Hayaan natin ang wage board ang mag-ayos ng problema sa usapin wage hike dahil tiyak mabilis nila itong magagampanan bago Mayo o sa loob ng nasabing buwan,” ani Defensor.

Sinabi ni Defensor, na alam niyang maraming manggagawa ang nahihirapan dahil sa nangyayaring sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at langis kaya kailangan magtulungan tayo para maresolba ang problema.

Samantala, gustong ipatanggal ni Manila Rep.  Abante ang E-VAT sa langis, kuryente, pagkain at gamot para matulungan ang mamamayan sa nangyayaring pagtaas ng presyo ngayon.

“Kailangan tulungan natin ang ating mga kababayan sa pagba­bayad ng Value Added Tax dahil mahihirapan sila ngayon sa tuma­taas na presyo ng bigas at langis”, sabi ni Abante. (Butch Quejada)

Show comments