^

Bansa

Ever Gotesco nasunog

-

Sugatan ang siyam  na kagawad ng fire volunteer  matapos na tupukin ng apoy ang gusali ng Old Ever Gotesco Emporium ka­hapon ng hapon sa lung­sod Caloocan kung saan nag-ugat ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa mga motorista.

Kinilala ni C/Insp. Juan Reyes, hepe ng BFP-NCR-Operations, ang mga na-suffocate na sina Mario Mercado; Joseph Batan­gan; Logie Rejis; Nolan Jupercia; Ligwig Lagon­son; PJ Deman at tatlong hindi pa nabatid na mga pangalan ng biktima.

Sa inisyal na report dakong ala-1:15 ng hapon nang magsimulang tupu­ kin ng apoy ang ikalawang palapag ng nasabing esta­bli­simiyento, na matatag­puan sa kahabaan ng Samson Road, malapit sa Bonifacio Monument Circle (BMC) ng nasabing lungsod.

 Ayon sa mga emple­yado,  mabilis na kumalat ang apoy sa naturang palapag kung saan naka-imbak ang mga papeles at mga lumang kagamitan dito. Matatagpuan din sa nabanggit na palapag ang lumang sinehan.

Ang sunog ay naitalang Task Force Bravo at wala namang naiulat na nasawi maliban sa mga nabanggit na fire volunteer na hang­gang sa isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ring inaapula ang sunog.

Kaugnay nito, napilitan namang magsara ang ilang establisimiyentong malapit sa insidente ng sunog kung saan nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa naturang lugar. (Lordeth Bonilla)

BONIFACIO MONUMENT CIRCLE

JOSEPH BATAN

JUAN REYES

LIGWIG LAGON

LOGIE REJIS

LORDETH BONILLA

MARIO MERCADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with