Trillanes di gagaya sa Magdalo 9

Walang plano si dating Navy Lt. Senior Grade at Senador Antonio Trillanes IV na sundan ang yapak ng siyam na mga kasa­mahan nito sa Magdalo na bumaligtad at naghain ng guilty plea kaugnay sa pagkakasangkot sa Oak­wood mutiny.

Ito ang inihayag kaha­pon ni Atty. Reynaldo Robles sa pagmamatigas ng kanyang kliyenteng si Trillanes matapos uma­min sa kasalanan, mag­sisi at humingi ng tawad saka humirit ng executive clemency kay Pangulong  Arroyo ang siyam na Magdalo sa pangunguna nina Army Captains Ge­rardo Gambala at Milo Maestrecampo.  

Sa kabila nito ay hindi naman sinisisi ni Trillanes sina Gambala at nauuna­waan nito na posibleng nahirapan sa kulungan ang kanyang mga mistah sa PMA Class ’95 kaya napilitang mag-plea ng guilty.

“The senator has no plans to do that (plead guilty). His convictions have not changed. Corruption in government persists, it has even worsened,” pahayag ni Robles.  

Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi niya papayuhan o hihimukin si Trillanes na maghain na ito ng guilty plea sa korte.

Hindi anya makaka­apekto sa kasong kina­kaharap ni Trillanes ang guilty plea nina Gambala, Maestrecampo at pitong iba pa.

“Technically it will not, because this is a guilty plea of the nine officers based on their own participation in the coup d’etat. Now, so far as Senator Trillanes is concerned, there is evidence against him  and he has his own defenses and the court will decide on the basis of that,” sabi pa ng Defense Chief. (Joy Cantos)

Show comments