Trillanes di gagaya sa Magdalo 9
Walang
Ito ang inihayag kahapon ni Atty. Reynaldo Robles sa pagmamatigas ng kanyang kliyenteng si Trillanes matapos umamin sa kasalanan, magsisi at humingi ng tawad saka humirit ng executive clemency kay Pangulong Arroyo ang siyam na Magdalo sa pangunguna nina Army Captains Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo.
Sa kabila nito ay hindi naman sinisisi ni Trillanes sina Gambala at nauunawaan nito na posibleng nahirapan sa kulungan ang kanyang mga mistah sa PMA Class ’95 kaya napilitang mag-plea ng guilty.
“The senator has no plans to do that (plead guilty). His convictions have not changed. Corruption in government persists, it has even worsened,” pahayag ni Robles.
Samantala, sinabi naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi niya papayuhan o hihimukin si Trillanes na maghain na ito ng guilty plea sa korte.
Hindi anya makakaapekto sa kasong kinakaharap ni Trillanes ang guilty plea nina Gambala, Maestrecampo at pitong iba pa.
“Technically it will not, because this is a guilty plea of the nine officers based on their own participation in the coup d’etat. Now, so far as Senator Trillanes is concerned, there is evidence against him and he has his own defenses and the court will decide on the basis of that,” sabi pa ng Defense Chief. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending