^

Bansa

Kaso ng Greencross pinababasura

-

Dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya, tulu­yan ng ipinababasura ka­hapon  ni dating Solicitor General Estelito Mendoza sa Parañaque Regional Trial Court (RTC) ang kasong estafa na isinampa laban sa board of directors ng Green­cross Incorporated.

Hayagang tinuligsa kahapon ni Mendoza sa sala ni Judge Fortunito Madrona ng Parañaque RTC branch 274, ang mga abogado ni Gonzalo Co, dating pangulo ng Green­cross, dahil sa patuloy ng paghingi ng postponement na nagiging dahilan upang matagalan ang kaso na isinampa laban sa kanyang kliyente.

Binatikos rin ni Men­doza ang taga-usig nang maghain pa ng mosyon na humihiling sa kanyang kliyente na dalhin sa korte at ilabas ang mga doku­mento na may kaugnayan sa kaso na taliwas sa umiiral na Rules of Court.

Sinabi ni Mendoza ta­nging ang akusado lamang ang puwedeng humiling sa korte na maglabas ang taga-usig ng ebidensiya o dokumento na kinaka­ilangan sa kaso.

Patunay aniya ito na hindi handa ang taga-usig sa paglilitis dahil kulang ang kanilang ebidensiya kaya’t dapat lamang itong ibasura na ng korte.

Sa rekord, nagsampa ng kasong estafa si Gon­zalo Co, dating pangulo ng Greencross Inc. at founder ng Gonzalo Laboratories laban sa kanyang mga ka­patid at pamangkin upang maibalik sa kanya ang sapi ng kompanya na nauna na niyang ibinenta sa mga akusado.

Hiniling naman ng pa­milya ni Anthony Co na nagmamay-ari na ngayon ng Greencross Inc. sa pa­mahalaan na protektahan sila sa ginagawang panggi­gipit sa kanila ng kapatid matapos nilang tanggihan ang patuloy umanong pa­ng­hihingi sa kanila ng sa­lapi matapos na ibenta sa kanila ang sapi ng kompanya.

Naniniwala umano si Gonzalo na bagama’t na­ka­pangalan na sa kanyang mga kapatid, pamangkin at magulang ang sapi ng kompanya, dapat ay siya pa rin ang nagmamay-ari nito batay sa ilalim ng prinsipyo ng implied trust na una ng ibinasura ng Department of Justice. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ANTHONY CO

DEPARTMENT OF JUSTICE

GONZALO CO

GONZALO LABORATORIES

GREENCROSS INC

JUDGE FORTUNITO MADRONA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with