‘Ambo’ nagbabanta

Patuloy na lumalakas ang bagyong “Ambo” at ngayoy banta sa Dumaguete City sa Negros Oriental.

Ganap na alas 11 ng umaga, dahil kay Ambo, tinaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration sa signal number 1 ang bagyo sa Southern Cebu, Siquijor Island, Negros Oriental, Southern Negros Occidental, Southern Iloilo, Southern Antique, Guimaras at Cuyo Island.

Taglay ni Ambo ang pinaka malakas na hanging 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at kumikilos pakanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras. (Angie dela Cruz)

Show comments