Chocolate Hills ng Bohol umaakyat sa 7 Wonders

Malaki ang posibilidad na mapasama sa bagong  “Seven Wonders of the World” sa 2010 ang Chocolate Hills ng Bohol at ang Tubbataha Reef ng Palawan sa isinasagawang “Search for New Seven Wonders of the World.

Pinuri ni Sen. Pia Cayetano ang mga Filipino noon na siyang nagsikap na maitayo ang dalawang nasabing magandang lugar na nagbibigay sa ngayon ng kara­ngalan sa bansa.

Kinilala ng senadora ang patuloy na pagsuporta ng mga Pinoy dito sa Pilipinas at sa labas ng bansa dahil patuloy na tumataas ang ranking ng  Chocolate Hills ng Bohol na pampito na at Tubbataha Reef na pangsiyam.

Ang mga nominado ay makikita sa www. New7wonders.com at ang mga ranking naman ay makikita sa http:/www.new7wonders.com/nature/en/liveranking.  (Joy Cantos)

Show comments