Food riot sa Pinas malabo raw

Nagpahayag kaha­pon ng paniniwala si Defense Secretary Gil­berto Teo­ doro Jr. na hindi magaga­nap sa Pilipinas ang mga food riot sa ibang bansa.     

Sinabi ni Teodoro na maayos ang segu­ridad ng bansa kahit merong arti­pis­yal na krisis sa bigas.

Ginawa ng kalihim ang pahayag bilang reaksyon sa babala ni International Monetary  Fund  Mana­ging Director Dominique Strauss Khan na ang paglobo ng presyo ng pagkain ay posibleng magdulot ng ‘food riot’ at hindi balan­seng  kalakalan.

Batay sa report, da­hi­lan sa pagtaas ng presyo ng bigas ay nagpa-panic buying ang mga mahihi­rap na Pili­pino kung saan pila balde sa mga outlets ng National Food Authority upang makabili ng abot kayang presyo ng bigas.

Sinabi ni Teodoro wala pang insidente na may naganap na ‘food riot’ sa kasaysayan ng Pilipinas. (Joy Cantos)

Show comments