Pabahay sa mga pulis

Pinapurihan ni PNP Deputy Director Gen. Jesus Verzosa ang Gawad Kali­nga at ibang partner shelter agencies ng PNP mata­pos pasimulan ang ‘housing at quartering program’ para sa mga pulis na wa­lang sarili at disenteng bahay.

Ayon kay Verzosa, tu­ma­tayo ring chairman ng PNP Housing Board, ang PNP Personnel Quartering and Housing Program ay isa sa mga pangunahing pro­yekto ng pambansang pulisya sa ilalim ng PNP Integrated Transformation Program.   

Pinasalamatan din ni Verzosa si PNP Chief Director Gen. Avelino Razon Jr. dahil sa inisyatiba nito na isu­long ang progra­mang pabahay para sa mga pulis nang siya pa ang tumata­yong chairman ng housing board. 

Inimbitahan na ni Jose Mari Oquinena, executive director ng Gawad Kalinga, ang PNP na makaiisa sa pagpapa­tayo ng mga ba­hay sa Bu­kidnon at Lanao del Sur sa April 21-25, at sa idaraos na 4th Caravan for Peace sa Wao, Lanao del Sur sa April 26.

Hiniling din ng Gawad Kalinga sa PNP na tumu­long na magbigay ng segu­ridad habang isinasagawa ang nasabing aktibidad. (Joy Cantos)

Show comments