RP debt plan igigiit
Tinagubilinan kamaka ilan ni Pangulong Arroyo ang Department of Foreign Affairs na ipagpatuloy ang panghihikayat sa United Nations na ikonsidera ang debt-for-equity arrangements na ipinapanukala ng Pilipinas para mapondohan ang mga programang pangkaunlaran nito.
“Makakatulong ito sa mga nagpapaunlad na bansa na matugunan ang UN Millennium Development Goals nang hindi kailangang magdagdag ng utang,” sabi ng Pangulo.
Ang debt for equity ng Pilipinas sa ilalim ng MDG projects ay nagpapanukalang ang 50 porsiyento ng utang ng 100 bansa ay gawing equity investment sa naturang mga proyekto.
- Latest
- Trending