Dapat umanong ipaalam ni Pangulong Arroyo sa sambayanang Filipino ang tunay na sitwasyon ng Pilipinas hinggil sa isyu ng pagkain para hindi makontrol ang pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin partikular ang bigas at kakapusan ng mga suplay sa produktong pang-agrikultura.
Sinabi ni Paranaque Rep. Roilo Golez, kailangan ipaalam na ito sa publiko lalo’t pag nag-deklara ang Malacanang ng State of National Emergency at kailangan din aniyang malaman ito ng Kongreso para sa pagpopondo.
Ang gobyerno ay hindi naniniwalang kapos ang bigas, ang problema lamang ay nagpa-panic ang mga ito kaya naman mabilis na nauubos ang supply ng NFA rice dahil sabay-sabay kung bumili ang mga ito.
Ayon sa NFA, hindi kakapusin ang bigas ngayon lalo’t malapit na ang anihan.
Ang problema nga lamang ay sobra ang taas ng bigas dahil na rin sa rice hoarders. (Butch Quejada)