Ika-7 sunod na oil price hike ikinasa
Muling nagtaas kahapon ng P.50 dagdag kada litro sa presyo ng produktong diesel, gasoline at kerosene ang mga kumpanya ng langis, ang ika-pitong sunod na linggo mula nitong Marso.
At
Sa ngayon ay umaabot na sa $110 kada bariles ang presyo nito sa World Market at kung magpapatuloy pa ang ganitong trend ay posible umanong magkaroon pa ng kasunod ang oil price hike sa mga susunod na linggo.
Unang nagtaas ang independent oil player na Unioil na inaasahan namang susundan ng iba pang major oil players na kinabibilangan ng Shell, Petron at Caltex gayundin ang iba pang independent oil players.
Dail dito, umaabot na sa P3.50 ang kabuuang itinaas ng presyo ng produktong gasoline, diesel at kerosene sa local na pamilihan.
Samantala, isang malaking transport strike naman ang iniamba ng grupong PISTON na gagawin sa unang linggo ng Mayo upang muling ipahayag sa gobyerno ang pagiging inutil nito dahil walang magawa sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending