Lozada sinermunan sa CA

Pinagalitan ng isang Associate Justice ng Court of Appeals (CA) si NBN-ZTE witness Rodolfo Lo­ zada sa pagharap nito ka­hapon sa witness stand ka­ugnay sa writ of amparo pe­tition na inihain ng kanyang kapatid na si Arthur Lozada. 

Mistulang nagkuwento ng kanyang talambuhay sa halip na direktang sagutin ang mga tanong ng kan­yang abogado na si Atty. Rex Fernandez.

Bunsod dito kaya hindi napigilan ni CA Associate Justice Celia Librea-Lea­gogo na sermunan si Loza­da at pagsabihan ito na huwag nang magkuwento pa ng mahaba at sagutin na lamang ng direkta ang mga tanong sa kanya ng abo­gado.

Pinaalala ng Mahistrado kay Lozada na ang CA ay hindi katulad ng ibang investigating body na ma­aring sabihin ng isang tes­tigo ang lahat ng nais niyang kwento.

Sumentro ang testi­monya ni Lozada sa naga­nap na pagdukot umano sa kanya ng mga taong hindi niya kakilala ng dumating siya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Hongkong na ikina­ba­hala ng husto ng kanyang pamilya.

Dahilan dito kaya nag­hain ang mga ito ng petition upang mabigyan ng pro­teksyon ng korte ang kani­lang kapatid.

Sinabi naman ni Lozada na lalo umanong tumitindi ang banta sa kanyang buhay dahil hindi lamang sa text messages idinadaan ang mga banta kundi pati na rin sa kanyang pag-iikot sa mga lugar na nabubu­labog umano ng bomb threat.

Itinakda naman sa Abril 17, 2008 ang muling pag­dinig sa nasabing petition. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments