“We will ask for (GMA’s) pardon everyday, every week, every month, every year until we’ll be given freedom, that is what were asking for, that’s our desire!”
Ito ang nagmamakaawang apela kahapon kay Pa ngulong Arroyo ng siyam na Magdalo na hinatulan ng guilty ng korte sa kasong kudeta matapos sakupin ang Oakwood Premiere Hotel sa Makati City noong Hulyo 27, 2003.
Sa press briefing sa Philippine Army Headquarters, ipinaabot nina Captains Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo sa Palasyo ng Malacañang ang kanilang pag-amin, pagsisisi at paghingi ng kapatawaran sa kanilang nagawang kasalanan sa bayan.
Sina Gambala at Maestrecampo ay kapwa nahatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo habang ang 7 pa ay prison mayor o mula 6-12 taong pagkakakulong. Kabilang sa mga ito sina Captains Alvin Ebreo, Lawrence Louis Somera, Albert Baloloy, John Andres, 1st Lieutenants Cleo Donggaas at Florentino Somera Jr.
Sinabi naman ni Maestrecampo na sa loob ng may limang taong pagkakakulong ay napatunayan nilang hindi kudeta ang sagot sa reporma at pagbabago sa gobyerno. (Joy Cantos)