^

Bansa

Pasahe sunod na tataas

- Ni Angie dela Cruz -

Pinamamadali ng transport groups sa pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board ang pagkilos sa kanilang petisyon na humi­ hiling ng 50 centavos na provisional increase sa pasahe sa mga pampa­saherong jeep.

Ito ay giit kay LTFRB Chairman Thompson Lan­tion ni Boy Vargas, National President ng 1UTAK na kinabibilangan ng Altodap, Fejodap, Mjoda, Acto, Pasang Masda gayundin ang passenger bus groups.

Sinabi ni Vargas na napapanahon na para maipatupad ang provisional increase sa pasahe dahil sobrang dami ng mga bilihin ang tumaas ang presyo bukod sa katatapos na 50 sentimos na taas kada litro sa presyo ng mga produk­ tong petrolyo, bigas, karne at pati na rin ang pandesal ay tataas din.

Sa katunayan, umaabot na anya sa halos P200 ha­laga ng kita ang nawawala sa mga driver sa isang araw dahil sa naturang mga pag­taas ng bilihin at pagtaas ng presyo ng diesel na siyang gamit ng mga passenger jeepney.

Hindi na anya maka­twiran ang epekto nito sa kanila kaya napapanahon na iprayoridad ng LTFRB ang pagkilos sa provisional increase sa pasahe sa jeep para naman hindi lalung maghirap ang maliliit na manggagawang driver sa bansa.

ACTO

ALTODAP

BOY VARGAS

CHAIRMAN THOMPSON LAN

FEJODAP

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

NATIONAL PRESIDENT

PASANG MASDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with