^

Bansa

Industriya ng manok bagsak

-

Bagaman marami ang suplay ng manok sa bansa sa kasalukuyan, ami­nado ang mga mag­ma­manok na mabagal ang paglago ng kita nila lalo na ngayong summer season.

Ito ayon kay Gregorio San Diego Jr., presidente ng United Broiler Raisers Association (UBRA) at Philippine Eggboard ay bunsod ng masyadong mainit na panahon na nagdudulot ng iba’t ibang sakit sa mga manok.

Kabilang aniya sa mga sakit na posibleng tumama sa mga manok ay heat stroke at respiratory diseases.

Dumaranas umano ang mga manok ng pag­hingal o kakapusan sa paghinga dahil sa sob­rang init hanggang sa puntong mawalan na ng ganang kumain ang mga ito, manghina ang kata­wan hanggang sa tulu­yang mamatay.

Sa indus­triya naman ng itlog, dumaranas din aniya sila ng mabagal na kita dahil sa bentahan nila rito sa mas mababang ha­laga o bagsak presyo dahil sa sobrang produksyon. 

Tumaas anya sa 58 percent ang produksyon ng itlog ngayong taon dahil sa mga idinagdag nilang mga sisiw sa mga nakalipas na panahon. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BAGAMAN

CRUZ

GREGORIO SAN DIEGO JR.

PHILIPPINE EGGBOARD

SHY

UNITED BROILER RAISERS ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with