^

Bansa

VIPEC kakasuhan ng economic sabotage

-

Takdang isampa ng Presidential Anti-Smuggling Group ang kasong economic sabotage laban sa may-ari ng Vertex International Product and Exchange Corporation­ kasunod ng pagkakatuklas ng P20 milyong halaga ng imported na bigas sa bodega nito sa Cubao, Quezon City.

Sinabi ni PASG Head Undersecretary Antonio Villar Jr. na ang presidente ng VIPEC na si Ricardo Luz ay nagmamantini umano ng isang bodega ng bigas sa No. 10  Manhattan St., Cubao nang walang permiso mula sa National Food Authority.

Sinabi ni Villar na naniniwala siyang sangkot umano sa rice hoarding ang VIPEC dahil sa kawalan nito ng permit at pag-iimbak ng 20,000 sako ng Jasmine rice na nagmula sa Thailand. Posible umanong ibebenta ang bigas na ito sa mas mataas na halaga. 

Lumilitaw din anya sa mga dokumento ng VIPEC na nakarehistro lang ito bilang wholesaler ng softdrink, alak at tabako. (Rudy Andal)

CUBAO

HEAD UNDERSECRETARY ANTONIO VILLAR JR.

MANHATTAN ST.

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

QUEZON CITY

RICARDO LUZ

RUDY ANDAL

SINABI

VERTEX INTERNATIONAL PRODUCT AND EXCHANGE CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with