May-ari ng Green Cross humihingi ng proteksiyon
Umapela kahapon sa gobyerno ang may-ari ng kumpanyang Green Cross na protektahan sila laban sa ginagawang harassment sa kanila ng dating presidente nito.
Base sa pahayag ni Anthony Co, may-ari ng Green Cross, na ang pamilya ni Gonzalo Co mas kilala bilang Co It ay sinampahan sila ng mga walang basehang kaso sa ibat-ibang korte upang mapilitan silang magbigay ng pera para sa shares of stock na ibinenta na ni Gonzalo sa pagitan ng 1971 at 1986.
Kinasuhan ni Gonzalo ng Estafa ang kanyang mga kapatid at mga pamangkin matapos nitong angkinin ang kumpanya kahit na nakapangalan ito sa kanyang mga kapatid at ina base na rin umano sa principle of implied trust.
Subalit base sa resolution ng Department of Justice (DOJ), hindi na pag-aari ni Gonzalo ang kumpanya at wala na itong shares matapos siyang mag-isyu ng Deed of absolute sale noong 1985 at wala rin umanong pamimilit o dahas na nangyari sa naganap na bentahan.
Nanawagan naman sa DOJ ang pamilya ni Anthony Co sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC) na gawin ang nararapat at huwag hatulan ang isang inosente na biktima lamang ng harrassment.
Ang panawagan ni Co ay bunsod sa ulat na hinihiling ng DOJ sa AMLC na imbestigahan ang umano’y posibleng money laundering ng pamilya Co base na rin umano sa alegasyon ni Gonzalo.
Umaasa din ang pamilya Co na ang AMLAC na hindi nila papayagang magamit ni Gonzalo para lamang makapaghiganti ito laban sa kanilang pamilya. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending