^

Bansa

Rasyon ng NFA rice sa MM tinapyasan

-

Sinimulan na ng National Food Authority (NFA) ang pagbabawas sa ditri­busyon ng bigas sa ilang lungsod ng Kalakhang May­­nila kahit pa man idi­nek­lara ng pamahalaan na may sapat ng suplay nito sa bansa.

Unang sinampolan ka­hapon ng NFA ang tatlong naglalakihang NFA rice outlets sa Pasay na nasa Taft Avenue kung saan binawa­san ng kalahati ang alokas­yon dito ng bigas ng NFA.

Nabatid na ang mga outlets na nabanggit ay dating regular na tuma­tang­gap ng 100 cavan ng NFA rice kada-linggo, pero mula ng nagkaroon ng krisis sa bigas ay ginawa na lamang 50 cavans ngayon.

Nitong Martes, ang na­sabing mga NFA outlets ay tumatanggap na lamang ng lima hanggang pitong sako bawat pwesto na na­ging dahilan upang limita­han ang volume ng ibine­ben­tang bigas sa 1-kilo sa da­ting 2-kilo bawat ma­mimili.

Kasabay nito, nabahala ang isang grupo ng mag­sasaka sa masamang epek­tong idudulot hinggil sa desisyon ng pamaha­laan na alisin ang rice import ban na maaaring mag­tulak sa mga magsasaka na umang­kat na lamang ng bigas sa halip na magtanim ng palay.

Napag-alaman na ba­gama’t makatutulong ang pagbaha ng imported rice sa pamilihan upang mapa­baba ang presyo ng palay,  ayon kay Jimmy Tadeo, pinuno ng isang grupo ng magsasaka sa bansa na magiging dahilan din ito na bumagsak ang farmgate prices at ang halagang ibinabayad ng mga manga­ngalakal sa magsasaka.

Umaasa naman ang grupo ni Tadeo na pansa­man­tala lamang ang pag-alis sa rice import ban ka­sabay ng mungkahi na pag-ibayuhin na ng pama­halaan ang programa sa pagsa­saka.

Iginiit pa ni Tadeo na mas makabubuting pag-ukulan ng malaking pondo ng pa­ma­halaan ang mga proyek­to sa irigasyon, farm-to-market roads, at support services na mag­papalakas sa kakayahan ng bansa na mag-produce ng bigas at hindi na kaila­ngang umasa sa pag-aang­kat. (Rose Tamayo-Tesoro)

JIMMY TADEO

KALAKHANG MAY

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NITONG MARTES

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with