^

Bansa

Mag-inang pinatay sa Japan iniuwi na

-

Nakauwi na at tak­dang ilibing sa Sabado sa Capiz ang mga bang­kay ng isang Pili­ pina at anak nitong 7-buwang gulang na sanggol na kapwa pinas­lang sa Japan nitong nakalipas na linggo.

Kahapon ay tumu­lak na patungong Tahit, Mambusao, Capiz mula Manila Domestic Airport ang mga labi ng mag-inang sina Cri­santa Lo­pez, 33, at kan­yang anak na si Naomasa na sinama­han ng kanyang mga kaanak.

Dumating sa NAIA Centennial Terminal 2 mula Tokyo sakay ng Philippine Airlines ni­tong Linggo ang mga labi ng mag-ina at pan­saman­talang inilagak sa isang funeral homes bago inilipad patu­ngong Ca­piz nitong Martes.

Base sa report, si Cri­santa ay natagpuan sa kanyang tirahan sa Tokyo na naliligo sa sa­riling dugo at  tadtad ng tama ng patalim sa kata­wan habang ang bata ay nasawi sa pa­mamagitan ng pag­sakal nitong Mar­so 17.

Lumalabas sa im­bestigasyon ng Tokyo police na ang 43-anyos na asawa ni Crisanta na nakilalang si Masa­yoshi Nagano, isang Japanese national, ang sus­pek sa krimen.

Nabatid na si Cri­santa ay nagtrabaho sa Japan bilang isang entertainer noong 1997 at nakilala nito doon ang kanyang Japanese husband.

Sina Crisanta at Ma­ sa­yoshi ay ikinasal  may walong taon na ang na­kalilipas sa Immaculate Concepcion Metropolitan Cathedral sa Roxas, Capiz.  (Ellen Fernando)

vuukle comment

CAPIZ

CENTENNIAL TERMINAL

CRI

ELLEN FERNANDO

IMMACULATE CONCEPCION METROPOLITAN CATHEDRAL

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with