Tax moratorium hingi ng magbababoy
Dahil sa tumataas na halaga ng mga bilihin, humihiling ng isang taong moratorium sa taripa o buwis ang mga magbababoy sa bansa sa mga sangkap sa paggawa ng feeds.
Ayon kay Renato Eleria, vice chairman ng National Federation of Hog Farmers, Inc., masyadong mataas ang presyo sa ngayon ng pakain sa baboy dahil na rin sa taas ng taripa sa mga sangkap tulad ng tapioca na nanggagaling pa sa Thailand at Vietnam, soybean mill, fishmill, at wheat na pamalit sa mais.
Anya, dumoble sa kasalukuyan ang presyo ng feeds na umaabot na sa P1,000 hanggang P1,200 isang sako kumpara sa dating P600 lamang sa nakalipas na apat na taon.
Dahil dito, maraming mga feedmill aniya ang nagsasara na lamang kada taon na nagreresulta naman para bumaba ang bilang ng mga nagtitinda ng feeds at pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan at palengke. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending