Mariing binatikos kahapon ng National Democratic Front ang pagkakatalaga kay Executive Secretary Eduardo Ermita bilang tagapangulo ng 44-team delegation ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council. Ayon kay Fidel Agcoili, tagapangulo ng NDF human right committee, isang malaking insulto sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao ang pagtatalaga kay Ermita na isang dating opisyal ng militar. Ayon pa kay Agcaoili, tanging target ni Ermita sa misyong ito ay para itanggi ang command responsibility at direktang kriminal na pananagutan ng Administrasyong Arroyo sa mga insidente ng extra judicial killings sa bansa. (Angie dela Cruz)